dzme1530.ph

Paghahanap ng pondo para sa MUP pension, trabaho ng economic team, ayon sa isang senador

Tutol si Sen. Robin Padilla sa ipinapanukalang reporma sa Military and Uniformed Personnel Pension system kung saan hihingan ng 5 hanggang 9% kontribusyon ang mga unipormadong tauhan ng gobyerno.

Sinabi ni Padilla na mas dapat ay gawan ng paraan ng gobyerno na mahanapan ng sapat na pondo ang pensyon ng mga MUP na itinataya ang kanilang buhay sa ngayon ng serbisyo sa taumbayan.

Binigyang-diin ng senador na kailangang ayusin ang mga hakbangin upang matiyak na magkaroon ng law and order sa bansa at hindi mapapabayaan ang seguridad sa paligid.

Maaari anyang ikunsidera ang reporma sa MUP pension kapag dumating ang panahon na wala nang matatawag na rebelde sa bansa at hindi na tinataya ng mga unipormadong tauhan ng gobyernong ang sariling buhay sa mga operasyon.

Iginiit ng senador na nakakagawa ng paraan ang gobyerno para makahanap ng pondo sa ibang bagay kaya’t tiwala siyang mahahanapan din ng sapat na pondo ang pensyon ng mga MUP. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author