Nauwi sa madugong bakbakan, na ikinasawi ng limang katao ang pagaresto sa dating Vice Mayor ng Maimbung, Sulu na si Pando Mudjasan, nitong Sabado.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, inaasahan na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Philippine National Police Special Action Force (SAF) at ang pagtangi sa pag-aresto ng vice mayor kung kaya sinama nila ang 41st Infantry Batallion bilang back up.
Apat ang nasawi sa panig ng dating vice mayor habang isa naman ang nasawi sa hanay ng Special Action Force.
Dalawa namang sibilyan ang nasugatan matapos maipit sa palitan ng putok sa pagitan ng dalawang kampo, pero bago ito sinabihan na ang mga sibilyan na lumikas.
Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng mga kinauukulan ang perimeter ng pinangyarihan ng insidente subalit hindi pa nila ito napapasok o nasi-serve ang warrant of arrest. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News