dzme1530.ph

Paghahain ng protesta laban sa Tsina, dapat magpatuloy! —Rep. Recto

“Magpatuloy sa paghahain ng protesta laban sa Tsina”.

Ito ang naging mungkahi ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto sa pamahalaan, makaraang makaranas ng panibagong insidente ng pangha-harass ang Coast Guard ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Recto, maaaring kinokonsidera ng Tsina na mapapagod din ang bansa sa paghahain ng mga protesta, kung kaya’t iginiit ng House Deputy Speaker sa gobyerno na ipagpatuloy ang legal na paglalayag sa karagatan na pagmamay-ari ng Pilipinas.

Sa naturang hakbang, matutulungan din ani Recto ang iba pang mga bansa na nakararanas ng panggigipit ng Tsina.

About The Author