Hinimok ni Sen. Jinggoy Estrada ang mga patuloy na nagsusulong ng People’s Initiative para sa Charter change na tigilan na ang kanilang aksyon.
Sinabi ni Estrada na dapat magsilbing senyales sa kanila ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi papayagan ang nais ng mga nagsusulong ng People’s Initiative na iitsapwera ang Senado sa pagtalakay sa pagbabago sa konstitusyon.
Ipinaalala ng senador na kung People’s Initiative ang isasakatuparan ay mawawalan na sila ng kontrol kung ipasok maging ang political provisions sa chacha.
Gayunman, ibinabala ng mambabatas na ang anumang pangangalap ng pirma na may kapalit na suhol o pangako ng ayuda ay maituturing na imoral, iligal at unethical.
Kasabay nito, tiniyak ni Estrada na daraan sa proseso ang resolusyon sa Senado na nagsusulong ng pagbabago sa economic provisions ng konstitusyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News