Kasama sa proyekto ng gusali ay ang pagkakaloob ng mga courtroom at session hall; mga opisina at workstation; mga silid ng pagpupulong; at iba pang amenities na idinisenyo upang mapabuti ang kalidad ng serbisyo ng RTC.
Anya” oras na makumpleto na ang proyekto na bagong gusali ay magbibigay ito ng kaaya-aya at ligtas na espasyo para sa mga judges, lawyers, litigants, and RTC personnel, sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa pagtiyak ng patas at mahusay na paghahatid ng hustisya.
Ayon sa Kalihim, galing ang P9.89-million na pondong ginamit sa proyekto mula sa 2023 General Appropriations Act (GAA) sa ilalim ng Asset Preservation Program ng DPWH Davao Occidental District Engineering Office (DEO). –ulat mula kay Felix Laban, DZME News