Tumaas ang budget spending o paggamit at paggastos ng pondo ng mga ahensya ng pamahalaan para sa 3rd quarter ng taon.
Ito ay sa harap ng naging isyu sa underspending ng gobyerno sa mga unang bahagi ng 2023.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon, iniulat ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagtaas ng spending ng government agencies at nakapagsumite rin sila ng catch-up plans.
Kabilang sa mga tinukoy na may pinakamataas na improvement sa spending ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mababatid na ilan sa mga nakitaan ng mababang budget utilization rate kamakailan ay ang Department Of Information And Communications Technology, Department of Migrant Workers, Department of Social Welfare and Development, at Department of Energy.
—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News