dzme1530.ph

Paggamit ng recycled water sa harap ng krisis sa tubig, isinulong ng pangulo

Isinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paggamit ng recycled water sa harap ng krisis sa suplay ng tubig sa Pilipinas.

Sa talumpati sa 6th Edition ng Water Philippines’ Conference and Exposition sa SMX Convention Center sa Pasay City, inihayag ng pangulo na lahat ng urban communities at maging ilang rural communities ay nakararanas ng water crisis.

Kaugnay dito, ini-halimbawa ni Marcos ang mga na-bisita niyang bansa na may malawak na disyerto kung saan napaka-ayos ng water management.

Kabilang dito ang Israel na sa kabila ng sobrang kakapusan sa suplay ng tubig, gumagamit sila ng mekanismo sa pag-kolekta ng tubig-ulan, at lalagyan ito ng mga isda.

Pagdating ng tag-init o summer ay hinahango nila ang mga isda habang ang tubig naman ay gagamitin sa irigasyon.

Iginiit ng pangulo na ito ang mga bagay na dapat gawin sa pilipinas kung saan nagagamit ng hanggang tatlong beses ang tubig.

About The Author