dzme1530.ph

Paggamit ng Israel ng medical cannabis, puwedeng gawing huwaran ng bansa

Tuloy ang pagsusulong ni Sen. Robin Padilla sa pagsasabatas ng paggamit ng medical marijuana.

Katunayan, iminungkahi ng senador na gawing modelo ng Pilipinas ang Israel para sa paggamit ng marijuana sa layuning medikal o bilang gamot.

Ginawang batayan ni Padilla sa kanyang rekomendasyon ang kanyang study tour sa Israel kasama ang kanyang technical team.

Ayon sa senador, nakita niya na ang Israel ay isa sa mga bansang mayroong pinaka-maayos at pinakamalinaw na batas at regulasyon sa medical marijuana.

Bukod dito, malawak din ang ginawang pag-aaral ng Israel sa medical cannabis at pagdating sa pagpapatupad ng batas laban sa anumang pang-aabuso ay napakahigpit nila pagdating dito.

Balak ni Padilla na isama sa pagbalangkas ng batas sa bansa ang kanilang mga nasaliksik at inaral sa Israel at titiyakin na ito ay tugma sa pangangailangan ng medical marijuana sa Pilipinas. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author