dzme1530.ph

Paggamit ng emergency cell broadcast ng Globe, pinag-aaralan na ng NTC

Pinag-aaralan ng National Telecommunications Commission ang ginawang paggamit ng Globe sa Emergency Cell Broadcast upang paalalahanan ang publiko hinggil sa mandatory SIM registration.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni NTC deputy commissioner Jon Paulo Salvahan na ito’y dahil walang clearance ang telco mula sa ahensya para isagawa ang alert system subalit nakakuha ito sa NDRRMC.

Tinitingnan din nila aniya kung ang hakbang na ginawa ng Globe ay magpapakita ng paglabag sa batas kaugnay sa emergency cell broadcast.

Samantala, sinabi ni Salvahan na agad nilang ipapaalam sa Globe ang kanilang imbestigasyon hinggil sa naturang usapin.

About The Author