dzme1530.ph

Paggamit ng AI sa election campaign at propaganda materials, pinasusuri sa Comelec

Hiniling ni Senador Francis Tolentino sa Commission on Election (Comelec) na suriin ang isyu ng paggamit ng artificial intelligence (AI) sa election campaign at propaganda materials.

Sinabi ni Tolentino na dapat ding bumuo ang poll body ng mga polisiya sa paggamit ng apps na nagpapalit ng facial impressions ng isang indibidwal na posibleng paglabag sa principle of truthfulness.

Ipinaalala ng senador na ang eleksyon ay dapat nakabatay sa pagiging makatotohanan at ang paggamit ng AI nagpapalit ng itsura ng isang tao ay dapat ipagbawal ng Department of National Defense.

Umaasa ang senador na babalangkas ang Comelec ng mga polisiya kaugnay sa paggamit ng AI sa mga campaign at software materials para sa eleksyon lalo na sa usapin kung anong larawan ang dapat payagan.

Pinasalamatan naman ni Comelec Commissioner Rey Bulay si Tolentino sa pagtalakay sa isyu subalit inihayag na ang polisiya para sa paggamit ng AI ay posibleng maipatupad pa sa 2025 midterm elections.

Aminado si Bulay na posiblenng maharap sa misrepresentation expanded ang mga kandidato na gumagamit ng app para baguhin ang kanilang itsura. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author