dzme1530.ph

Paggamit ng AI photo generator app, ipinagbabawal

Ipinagbabawal ni Dept. of National Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. sa mga tauhan nito ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) photo generator applications.

Sa memorandum order na may petsang October 14, inatasan ni Teodoro ang mga personnel mula sa DND at Armed Forces of the Philippines na iwasang gumamit ng AI photo app dahil posible itong magdulot ng banta sa seguridad.

Nabatid na trending ngayon ang digital application na gumagamit ng AI, na nag-rerequire sa mga users na magsumite ng nasa 10 larawan upang makapag-generate ng enhanced portrait.

Kinukuha rin sa nasabing aplikasyon ang data ng mga end-user para makabuo ng digital person na nakapagsasalita at nakakikilos. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author