Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na dumaan sa due process ang disqualification sa procurement ng Smartmatic sa 2025 election.
Sa press briefing, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na may kapangyarihan ang Comelec na magdiskuwalipika ng bidder para sa procurement ng kailangang makina para sa susunod na halalan.
Sinabi ni Garcia, na nakahanda ang Komisyon sakaling dumulog ang Smartmatic sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang kanilang desisyon.
Paliwanag ni Chairman Garcia na pinakamahalagang maprotektahan ang integridad ng Komisyon at ang proseso ng halalan lalo na at hindi lamang isang dokumento ang inihain ng mga petitioner laban sa Smartmatic.
Idinagdag pa ng poll chief na bilang quasi-judicial body ay may kapangyarihan ang Comelec na magdesisyon lalo na at kung makakaapekto ang usapin sa integridad ng Komisyon at halalan.
Samantala, tiwala ang Comelec na hindi maaapektuhan ang timetable ng procurement ang hindi paglahok ng Smartmatic nsa bidding process ng automated election. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News