Pinangunahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang paggunita sa ika-81 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Pilar, Bataan kahapon.
Sa kanyang pananalita, isa sa binigyang-pugay ng Pangulo ang tinaguriang “Bolomen” noong panahon ng digmaan na buong tapang na nakipaglaban sa mga kaaway gamit lamang ang kanilang bolo o itak.
Sa ambush interview naman, inihayag ng Chief Executive na dapat kilalanin hindi lamang ang sakripisyo ng mga beterano kundi pati ng mamamayang Pilipino na tumulong sa ating pwersa.
Binigyang diin ng Pangulo na itinaya ng mga ito ang kanilang buhay at pamilya upang makamit ang kalayaan para sa Pilipinas. — ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News