dzme1530.ph

Pagdinig sa kasong Plunder laban kay Enrile at iba pang akusado, ipinagpaliban dahil sa sirang TV monitor

Dahil sa sirang Television monitor, ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pagdinig sa kasong Plunder at Graft na isinampa laban kay dating SP Juan Ponce Enrile at sa iba pang akusado sa umano’y maling paggamit ng Pork Barrel o Discretionary Fund.

Pinayagan ng Anti-Graft Court ang Motion ni Atty. Rony Garay, Counsel ng isa pang akusado na si Janet Napoles, na iurong ang hearing, kahapon, makaraang payagan ang defense team na isang laptop lamang ang gamitin sa pag-examine sa mga witness mula sa La Union na dumalo sa pamamagitan ng online.

Ang malaking Television monitor kasi na magsisilbi sanang reference ng depensa sa pagdinig ay hindi gumagana.

Binigyang diin ni Garay na kailangan ng mas malaking monitor dahil comparison ng mga dokumento ang kanilang hihimayin, na kinatigan naman ni Sandiganbayan 3rd Division Associate Justice Bernelito Fernandez.

About The Author