dzme1530.ph

Pagdinig ng Senado sa NAIA system glitch, nagsimula na

Nagsimula na ang pagdinig ng Senate Committee on Public Services sa naging aberya sa Ninoy Aquino International Airport noong Enero 1.

Sa kanyang opening statement, pinuna ni Senator Grace Poe, chairman ng kumite, ang tila pagyakap ng Ninoy Aquino International Airport sa ranking nito bilang “third most stressful airport in Southeast Asia.”

Kinuwestyon ni Poe ang procurement ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa dalawang Uninterrupted Power Supply (UPS) sa halagang P13 bilyon gayng ang sinasabing naging dahilan ng aberya ay ang faulty circuit breaker.

Tanong ni Poe kung sapat na bang Ccontingency plan ang procurement na ito o kailangan pa ring i-upgrade ang Air Traffic Navigation Management System.

Nais ding maliwanagan ng senador sa mga naging aksyon ng mga awtoridad kasama na rin ang mga Airline companies sa pagtugon sa Air Passenger Bill of Rights.

Tatalakayin din sa pagdinig ang panukala ni Senador Sonny Angara na palakasin pa ang CAAP bilang institusyon gayundin ang panukala para sa pagtatayo ng Philippine Transportation Safety Board.

About The Author