Posibleng ikasa sa Disyembre ng kasalukuyang taon ang special election sa ikatlong distrito ng Negros Oriental kasunod nang expulsion ni dating Cong. Arnolfo Teves Jr., ayon sa Commission on Election.
Sinabi ni COMELEC Chairperson George Garcia, hindi na aabot sa Barangay at SK Elections ang naturang halalan sa lalawigan dahil mahihirapan ang poll body na mag-adjust dito.
Una nang inaprubahan ng Kamara ang resolusyon na magkasa ang ahensya ng special election sa Negros Oriental upang punan ang nabakanteng pwesto ni Teves.
Napag-alaman na ang dating kongresista ay na-expel dahil sa disorderly behavior at patuloy na pagliban sa kabila ng kaniyang expired travel authority.
Nilinaw naman ni Garcia na hindi pa nila natatanggap ang resolusyon mula sa Kamara kaugnay sa panawagang magkasa ng special elections sa nasabing probinsya. —sa panulat ni Airiam Sancho