dzme1530.ph

PAGCOR, nagbabala laban sa mga hindi lisensyadong gaming websites

Pinayuhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang publiko na maging alerto bunsod ng pagdami ng hindi lisensyadong online gaming websites na gumagamit ng PAGCOR logo para makapanloko.

Sinabi ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco na mag-ingat sa pag-access ng online gamit websites dahil posibleng malagay sa alanganin ang personal at financial information ng user.

Inihayag ng PAGCOR na nai-forward na nila ang resulta ng sarili nilang imbestigasyon at monitoring efforts sa PNP, Department of Information and Communications Technology, at National Bureau of Investigation.

Idinagdag ni Tengco na karamihan sa mga pekeng websites ay naipasara na nila subalit ilan sa mga ito ay agad na nakagawa ng mga bago, kaya hinihiling ng ahensya ang kooperasyon ng publiko upang mahuli at maparusahan ang mga scammer.

About The Author