Naniniwala ang National Security Council na hindi pa napapanahong buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, hindi angkop na i-abolish sa ngayon ang NTF-ELCAC sa harap ng pagwawagi laban sa New People’s Army, at exploratory peace talks sa CPP-NPA-NDF.
Iginiit din ni Malaya na 40,000 pagkamatay na ang ibinunga ng communist insurgency, at trilyung-trilyong piso at dolyar na ang idinulot nitong pinsala sa ekonomiya.
Sinabi pa nito na ang NTF-ELCAC ay naging game changer sa kampanya laban sa communist terrorism.
Kaugnay dito, nilinaw ni Malaya na preliminary recommendation pa lamang ang mungkahi ni UN Special Rapporteur Irene Khan na buwagin ang NTF-ELCAC, at aabutin pa umano ng ilang buwan bago mailabas ang final recommendation dahil humihingi pa si Khan ng mga karagdagang dokumento at materyales. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News