Nakakuha ng kakampi ang mga negosyate at maliliit na vendor matapos ipanukala ni Manila 3rd District Congressman Joel Chua na buwagin ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Chua, na lumalagpas na ang MMDA sa mandato nito dahil sa hindi makatwiran na clearing operations at wala pa umanong
koordinasyon sa barangay at lokal na pamahalaan.
Ipinaliwag din Chua na maraming jurisprudence o mga desisyon ng Korte Suprema na nagsasabi walang police power ang MMDA.
Matapang din na inamin ni Chua ang akusasyon na protektor siya ng mga negosyante.