dzme1530.ph

Pagbura sa utang ng ARBs, isa lang sa paraan sa food stability

Pinasalamatan ni Sen. Christopher “Bong” Go si Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa paglagda sa batas na New Agrarian Emancipation Act na malaking tulong sa may 600,000 agrarian reform beneficiaries.

Sinabi ni Go na isa ito sa paraan upang makamit ng bansa ang food stability dahil sa pagsuporta sa ating mga lokal na magsasaka.

Gayunman, aminado ang senador na hindi ito sapat na hakbang upang maibigay ang maayos na pamumuhay ng mga magsasaka at matiyak angs apat na suplay ng pagkain sa bansa.

Kailangan anya ng mga magsasaka ng dagdag na suporta mula sa gobyerno upang sila ay maging competitive at nang hindi umasa ang bansa sa importasyon.

Dahil dito, bukod sa nilagdaang batas ng pangulo, isinusulong ni Go ang iba pang programa para sa mga magsasaka tulad ng pagsasaayos ng mga irigasyon at pagpapalawak ng National Rice Program.

Suportado rin nito ang pagko-convert sa mga bakanteng lupa ng gobyerno bilang agricultural areas upang mapalakas ang food production. –ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author