Muling binigyang-diin ni Sen. Jinggoy Estrada ang kahalagahan ng pagsusulong ng international agreements sa isyu sa West Philippine Sea.
Sa gitna ito ng matagumpay na resupply mission ng Philippine Coast Guard sa kabila ng pagtatangka ng China na muli itong harangin.
Sinabi ni Estrada na kailangang makabuo ng mga kasunduan at promosyon ng peaceful coexistence ng bawat bansa sa pinag-aagawang teritoryo.
Kasabay nito, pinuri at pinasalamatan ni Estrada ang dedikasyon, professionalism, at ang hindi matatawarang commitment ng tropa ng pamahalaan sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa maituturing na remote at challenging locations.
Umaasa ang senador na palaging magtatagumpay ang mga resupply mission at malayang magagampanan ng mga sundalo ang kanilamg tungkulin.
Nanawagan ang mambabatas sa lahat ng may isyu sa West Philippine Sea na iprayoridad ang mapayapang mga hakbangin at irespeto ang international law.
Umaasa ang mambabatas nasa nakatakdang pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on National Defense and Security sa Martes ay makakahanap sila ng solusyon para matuldukan na ang mga paulit-ulit na panggigipit at bullying tactics ng Chinese Coast Guard. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News