Naobserbahan ng PHIVOLCS ang mabagal na pagbuhos ng lava mula sa summit o bunganga ng Mayon Volcano sa Albay kagabi.
Ang muling paglalabas ng lava ng bulkan ay nagsimula ng 8:49 p.m. at nakuhanan ng camera mula sa Mayon Volcano Observatory-Ligñon Hill.
Ayon sa PHIVOLCS, naobserbahan ang lava flow sa Bonga, Mi-Isi, at Basud Gullies at lumikha ng maliwanag na maliwanag na pagbagsak ng mga bato sa loob ng dalawang kilometro mula sa tuktok ng bulkang Mayon.
Idinagdag ng ahensya na nanatili sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano. —sa panulat ni Lea Soriano