dzme1530.ph

Pagbuhay ng Cha-cha sa Kamara, nakatuon sa pagbabago ng economic provisions at hindi sa mismong saligang batas ayon kay PBBM

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang binuhay na usapin sa Charter change sa Kamara ay nakatuon sa pag-amyenda sa economic provisions, at hindi sa mismong saligang batas.

Sa ambush interview sa Muntinlupa City, sinabi ng Pangulo na sinisimulan pa lamang ang pag-aaral kaugnay ng pagiging balakid ng economic provisions sa pagpasok ng investors sa bansa.

Iginiit ni Marcos na ang pangunahin niyang interes ay gawing isang investment-friendly place ang Pilipinas.

Mababatid na una nang sinabi ni Marcos na hindi prayoridad ng kanyang administrasyon ang Cha-cha. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author