dzme1530.ph

Pagbubukas ng turismo sa bansa, magpapatuloy sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19

Ipinagkibit-balikat lamang ng Dep’t of Tourism ang tumataas na namang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Tourism sec. Christina Frasco na tapos na ang pandemya, matapos wakasan ng World Health Organization ang public health emergency kaugnay ng COVID-19.

Sinabi ni Frasco na nananatiling pasulong ang direksyon ng Pilipinas, at patuloy itong binubuksan para sa paglalakbay at sa turismo alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Matatandaang sa datos ng Dep’t of Health, umabot sa 12,414 ang kaso ng COVID-19 sa bansa mula May 8-14, na mas mataas ng 31% mula sa naitalang kaso sa sinundan nitong linggo.

Tiniyak naman ni Frasco na ipinatutupad ang lahat ng minimum health and safety standards partikular sa DOT-Accredited establishments. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author