dzme1530.ph

Pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan, pinag-aaralan sa huling linggo ng Agosto

Pinag-aaralan ng Department of Education (DEPED) na buksan ang susunod na School Year (S.Y.) para sa Public Elementary at High School sa huling linggo ng Agosto.

Sinabi ni DEPED Spokesman Michael Poa na tentative pa rin ang schedule dahil isinasapinal pa ang department order na magtatakda ng official calendar para sa S.Y 2023- 2024.

Inisyal na itinakda ng ahensya ang Opening of Classes sa August 28, subalit deklarado itong Holiday bilang paggunita sa National Heroes Day.

Una nang hinimok ng iba’t ibang grupo ang DEPED na ibalik ang school opening sa Hunyo upang maiwasan ang pagdaraos ng klase sa pinakamainit na mga buwan ng Abril at Mayo.  —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author