dzme1530.ph

Pagbomba ng tubig ng China Coast, ikinagulat ng ibat-ibang matataas ng opisyal sa Indo-Pacific Chiefs of Defense Conference

Inanunsyo ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Romeo Brawner Jr, na ikinagulat ng mga mataas na opisyal ang ginawang panghaharass ng China sa  nangyaring Indo-pacific Chief of Defense Confernce sa bansang Fiji.

Ayon kay Brawner, ipinakita nito ang mga ginagawang hakbang ng China gaya ng pambobomba ng tubig sa Philippines Coast Guard noong August 5.

Dumalo sa pagpupulong ang higit sa 20 bansa sa Indo Pacific Region at kasama dito ang China sa unang pagkakataon.

Dagdag ni Brawner, igiinit nito ang arbitral rulling sa United Nation Convention On the Law of the Sea (UNCLOS) na pinanalo ng Pilipinas.

Aniya, sinasabi sa UNCLOS na illegal ang claim ng China na nine-dash-line.

Naniniwala si Brawner na suportado ng Indo-Pacific Defense Chiefs ang ipinaglalaban ng Pilipinas sa West Philippine Sea. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author