dzme1530.ph

Pagbisita ni PM Kishida, pagpapakita ng malalim na pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas

Iginiit ni Senador Lito Lapid na sa panahong maraming hamon ang kinakaharap ang mundo, kailangan ng bansa ng mga tapat na kaibigan na maasahan at masasandalan na tumulong sa pagtatanggol sa demokrasya at soberanya.

Sinabi ni Lapid na kaisa ang Pilipinas sa maraming bansa na naghahangad ng mapayapa at makatwirang resolusyon sa iba’t ibang usapin na kinakaharap ng bayan at ng mga Filipino sa buong mundo.

Kaya naman, itinuturing ng senador na ang pagbisita ni Prime Minister Kishida Fumio na pagpapakita ng mas malalim na pagkakaibigan at mas matatag na relasyon ng Japan at Pilipinas.

Inaasahan din ng senador na ang pagbisitang ni PM Kishida ay lalong iigting ang ugnayan sa mga bansang tunay na kumikilala sa demokrasya at pag-iral ng batas.

Sa matagal anyang panahon ay naging mabuting katuwang ng Pilipinas ang Japan sa maraming proyekto para sa ikagaganda ng ekonomiya kaya’t inaasahan niyang lalawak pa ang economic relations sa pagitan ng dalawang bansa sa mga darating na panahon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author