Photo Courtesy | Presidential Communications Office
Nakapag-uwi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng $13 billion o P708.2 bilyong halaga ng investments sa pagtatapos ng kanyang official working visit sa Japan.
Ayon sa Pangulo, ang multi-billion pesos na halaga ng mga kasunduan at investment pledges ay inaasahang lilikha ng 24,000 na trabaho.
Kabilang dito ang development loans para sa North South Commuter Railway o ang Malolos-Tutuban Railway Project, at NSCR Project Extension na nagkakahalaga ng $3 billion dollars.
Pinagtibay din ng Pangulo ang ugnayan sa Japan sa mga larangan ng Agrikultura, Information and Communications Technology, at Defense and Security Relations.