Kinansela ang nakatakdang pagbisita ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Apayao ngayong Sabado ng umaga, bunga ng masamang panahon dahil sa bagyong “Dodong”.
Makikiisa sana ang Pangulo sa pagdiriwang ng ika-36 na Cordillera Day.
Ayon sa Malacañang, nag-abiso ang presidential security group na kanselahin na ang biyahe ng pangulo dahil sa masamang panahon.
Ang Apayao ay kabilang sa mga lugar na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 dahil sa bagyong Dodong.
Gayunman, batay sa latest bulletin ng pagasa ay wala nang lugar sa ngayon ang may nakataas na wind signal. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News