Hindi nangangahulugan ng paglilinis sa buong tanggapan ang simpleng pagbibitiw ni Office of Transportation Security Administrator Ma.O Aplasca.
Ito ang iginiit ni Sen. Grace Poe kasabay ng pagsasabing dapat ipatupad ang steady leadership kasabay ng mga reporma.
Iginiit ni Poe na hindi lang dapat umaaksyon kapag tapos na ang insidente at dapat hindi kinukunsinti ang anumang aksyong kriminal at unprofessional behavior.
Iginiit ni Poe na habang patuloy ang pagtugis sa mga sindikato, dapat rebisahin at higpitan ang security program.
Ang hamon aniya ngayon sa liderato sa airport ay ang magtalaga ng bagong pinuno na may political will upang ma-overhaul ang ahensya at mapigilan na ang anumang iregularidad.
Binigyang-diin ni Poe ang pangangailangan na ayusin ng OTS ang kanilang sistema sa pag-hire ng mga tao, rebisahin ang kanilang recruitment policies, at ipatupad ang ethics training. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News