Pinag-aaralan ng Water Resources Management Office (WRMO) na mag-alok ng insentibo para sa mga ahensya ng pamahalaan na malaki ang matitipid sa tubig sa harap ng umiiral na El Niño phenomenon.
Sinabi ni Environment Usec. Carlos Primo David na mas nais ng WRMO na magbigay ng incentives kaysa magpataw ng penalties para sa non-compliant agencies.
Idinagdag ni David na humihingi pa sila ng clearance mula sa Department of Budget and Management para sa iaalok na insentibo kapalit ng pagtitipid sa tubig.
Ang WRMO na nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources ay nag-isyu kamakailan ng dalawang bulletins sa water saving recommendations para sa mga ahensya ng pamahalaan, pati na sa mga barangay at mga residente. —sa panulat ni Lea Soriano