dzme1530.ph

Pagbibigay ng benepisyo sa barangay health workers, muling iginiit

Patuloy ang pagsusulong ni Sen. Christopher Bong Go ng maayos na kompensasyon at benepisyo para sa Barangay Health Workers (BHWs) bilang pagkonsidera sa kanilang kritikal na papel sa healthcare system.

Iginiit ni Go na dapat kilalanin ang sakripisyo at kontribusyon ng mga Barangay Healthcare Worker sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Bilang pagkilala sa Barangay Healthworkers, nanawagan si Go sa mga kasamahan sa Kongreso na suportahan ang kanyang Senate Bill No. 427 o ang proposed Barangay Health Workers Compensation Act.

Alinsunod sa panukala, pagkakalooban ang mga BHW ng   monthly honorarium, kasama na ang comprehensive package of benefits, kabilang ang allowances, job security, regular training, at skill development opportunities.

Minamandato rin sa panukala ang pagpapalawig ng benepisyo mula sa Government Service Insurance System, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Pag-IBIG Fund. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author