Welcome sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang paggagawad ng amnestiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga rebelde mula sa iba’t ibang grupo.
Naniniwala si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na ito ang magbibigay daan sa pagwawakas ng mga kaguluhan, tungo sa mithiin ng pagkakaisa.
Sinabi rin ni AFP spokesman Col. Medel Aguilar na ang amnestiya ang mag-aalis ng balakid sa mga rebelde sa kanilang pagbabalik-loob sa batas.
Tiniyak naman ng PNP na kaisa sila sa proseso ng pagpapasuko at rehabilitasyon ng mga rebelde.
Ayon kay PNP Public Information Officer Col. Jean Fajardo, ang pagbibigay ng amnestiya ay mahalagang hakbang tungo sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News