dzme1530.ph

Pagbibigay ng amnestiya ni PBBM sa mga rebelde, welcome sa AFP at PNP

Kapwa welcome sa Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front ang paggagawad ng amnestiya ng Malakanyang sa mga rebelde sa ilalim ng executive order at apat na proklamasyon.

Ayon kay Bangsamoro Parliament Deputy Speaker Ustadz Abdulkarim Tan Misuari, ito ay makatutulong sa reintegration o pagbabalik-loob ng MNLF members tungo sa pagiging produktibong mamamayan.

Ipinakita rin umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagnanais na mahilom ang mga sugat ng nakaraan at maitaguyod ang “brotherhood” o kapatiran, tungo sa national unity at kapayapaan.

Nagpasalamat din si MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim, kasabay ng pagtitiyak ng commitment sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro para sa amnestiya, pardon, at iba pang proseso ng pag-resolba sa mga kaso ng mga indibidwal na nahaharap o na-convict sa mga kaso dahil sa armadong pakikibaka sa Mindanao.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author