dzme1530.ph

Pagbebenta ng laruang lato-lato, nais ipatigil

Ipinatitigil ng Dept. of Industry (DTI) ang pagbebenta ng popular na laruang “lato-lato” dahil wala pa itong dokumento mula sa kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Napag-alaman na nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) patungkol sa pagbili at paggamit ng ilang klase ng nasabing laruan dahil hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan nito.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, nakasisiguro siyang kumikilos na ang FDA upang maalis ang lato-lato sa merkado, na wala rin pa aniyang Certificate of Product Notification.

Samantala, aabot sa P40 hanggang P100 ang presyo ng lato-lato sa Divisoria depende sa sukat at kalidad. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author