Pinagtibay ng Commission on Elections (COMELEC) ang desisyon ng isa nitong dibisyon na nagbasura sa disqualification case laban kay ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo.
Sa resolusyon, ibinasura ng Comelec en banc ang motion for reconsideration na inihain ng petitioner na si Moises Tolentino Jr., sa dahilang isinumite ang apela noong May 30, 2023, isang araw makalipas ang prescribed period.
Alinsunod sa rules ng poll body, ang paghahain ng petition for disqualification ng party-list nominees ay hindi dapat lalagpas sa petsa ng proklamasyon.
Inihain ni Tolentino ang petisyon noong March 1, 2023, mahigit siyam na buwan mula nang i-proklama ang ACT-CIS party-list.
Mayo a-30 naman nang punan ni Tulfo ang binakanteng puwesto sa kamara ni Jeffrey Soriano na nag-resign noong Pebrero. —sa panulat ni Lea Soriano