dzme1530.ph

Pagbabayad sa obligasyon sa mga pribadong ospital, pinatitiyak sa PhilHealth

Dismayado si Sen. Pia Cayetano sa kabagalan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pagbabayad ng utang sa mga pribadong pagamutan.

Sinabi ni Cayetano na long overdue problem na ng Philhealth ang pagbabayad ng kanilang mga obligasyon sa pribadong sektor.

Iginiit ng senador na marami nang pribadong ospital ang nagagalit sa PhilHealth dahil naiipit ang kanilang pondo.

Pinaalalahanan ni Cayetano ang Philhealth na mahalagang mapanatili ang magandang partnership ng gobyerno sa pribadong sektor.

Idinagdag ng mambabatas na magkaiba ang serbisyo ng mga pribadong ospital sa mga pampublikong pagamutan.

Kaya naman pinatitiyak ni Cayetano ang agarang pagbabayad sa mga pribadong ospital ng PhilHealth na nangako namang isasaayos ang lahat ng kanilang record upang matapos ang kanilang mga obligasyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author