dzme1530.ph

PAGASA, asahan ang pag-ulan sa bansa bunsod ng Shear Line

Bagamat nalusaw na ang binabantayang Low-Pressure Area (LPA) malapit sa Visayas ay patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Shear Line.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong araw ng biyernes ay katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Cagayan, Isabela, at Apayao.

Samantala, maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region bunsod ng Northeast Monsoon o Hanging Amihan.

Asahan din ang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Pinag-iingat pa rin ang mga residente sa banta ng mga pagbaha at landslides.

About The Author