dzme1530.ph

PAGASA, naglabas ng flood alert, sa ilang bahagi ng Central Luzon dahil sa posibleng pag-apaw ng Pampanga River Basin

Naglabas ng flood alert ang PAGASA sa ilang bahagi ng gitnang Luzon dahil sa posibleng pag-apaw ng Pampanga River Basin.

Ayon sa Hydrologist na si Richard Orendain, nananatili sa “below alert level” ang status ng nasabing ilog, subalit ang Candaba Swamp na bahagi ng Pampanga River ay paunti-unti nang napupuno ng mas mataas sa alarm water level nito.

Aniya, posibleng maapektuhan ng pagbaha ang lower at western sections ng Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, at buong lalawigan ng Pampanga.

Inabisuhan naman ng PAGASA ang mga residente sa mga maapektuhang lugar, partiklular ang nasa paligid ng Pampanga River Basin na manatiling alerto at magkasa ng precautionary measures upang matugunan ang epekto ng Habagat. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author