dzme1530.ph

Pag-usbong ng product influencers, malaking bentahe sa ekonomiya —PSAC

Malaking bentahe para sa ekonomiya ang pag-usbong ng product influencers sa Pilipinas.

Ayon kay Private Sector Advisory Council Job Sector Head Joey Concepion, kaiba sa mga kumpanya na kumukuha ng marketing managers, ang mga influencer ay sila na mismong nagpo-promote at nagbebenta ng kanilang mga produkto.

Kung makapagde-develop umano ang bansa ng daan-daan o libu-libong product influencers, magdadala ito ng malaking sigla sa ekonomiya dahil sa mas inklusibong pagbebenta para sa lahat at hindi lamang para sa malalaking kumpanya.

Sinabi pa ni Concepcion na kalimitan sa mga nagnanais na maging influencer ay ang nakababatang henerasyon, lalo’t sila ang mas nakauunawa sa teknolohiya at sa online selling platforms tulad ng tiktok.

Kaugnay dito, isinulong ni Concepcion ang upskilling sa micro, small, and medium enterprises, hinggil sa paggamit ng digital technology sa pagpapakilala at pagbebenta ng kanilang mga produkto. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author