dzme1530.ph

PAG-ULAN, PATULOY NA MARARANASAN SA MALAKING BAHAGI NG BANSA.

Patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Shear Line.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang inaasahan sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao Del Norte, at Surigao Del Sur.

Uulanin din ang Southern Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, nalalabing bahagi ng CARAGA Region, at nalalabing bahagi ng Visayas.

Ibinabala ng PAGASA ang posibleng pagbaha at landslides sa mga apektadong lugar.

Mababatid na binaha ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao noong weekend dahil sa matinding pag-ulan sa gitna ng pagdiriwang ng Pasko.

About The Author