dzme1530.ph

Pag take-off at landing sa Cotabato Airport lilimitahan ng CAAP

Naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa paglilimita sa pag take off at pag-landing ng mga eroplano sa Cotabato Airport.

Sa abiso ng CAAP papayagan magtake off at landing sa runway 10 ang maliliit na eroplano maliban sa Airbus mula 7:00AM – 11:59AM.

Ang runway 10 ay isasara mula 12:00NN-5:00PM.

Habang ang Runway 28 naman ay isasara mula 7:00AM – 5:00PM.

Itoy upang bigyan daan ang pagkukumpuni ng ilang damage sa runway ng nasabing Paliparan.

Ang NOTAM ay epektibo mula June 21 na tatagal hanggang August 18 2023. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author