Tinalakay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Kuwait Crown Prince Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah, ang pag-resolba sa labor issues para sa Overseas Filipino Workers sa Kuwait.
Ito ay sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations – Gulf Cooperation Council Summit sa Saudi Arabia.
Ayon sa Presidential Communications Office, mismong ang Kuwaiti Crown Prince ang humiling ng maikling bilateral meeting kay Pangulong Marcos upang pag-usapan ang labor relations ng dalawang bansa.
Mababatid na sinuspinde ng Kuwait ang pag-iissue ng bagong VISA sa mga Pilipino sa harap ng sigalot sa isyu sa worker protections at employer rights. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News