dzme1530.ph

Pag-print ng temporary drivers’ license, impractical —Cong. Wilbert Lee

Hindi nagustuhan ni AGRI Party List Cong. Wilbert Lee ang balitang kinakapos ng plastic card ang LTO kaya papel ang iniisyu nitong drivers’ license sa halip na plastic card.

Ayon kay Lee, problema ang shortage sa plastic card subalit impractical ang mag-print pa ng temporary driver’s license, dahil sapat na ang official receipt na iniisyu ng LTO.

Para sa mambabatas pagsasayang ng pera ang pagbili ng papel, ink, kuryente at effort sa pag print ng temporary paper driver’s license.

Pinayuhan ni Lee sa LTO at iba pang government card-issuing agencies, na kung kaya namang patunayan ng official receipt ang isang dokumento ay hwag ng gumawa pa ng temporary card.

Bilang solusyon, plano ni Lee na mabigyan ng mas malaking pondo ang LTO sa 2024 para masolusyunan ang problema nito sa kawalan ng plastic card para sa lisensya at backlog sa car plate. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author