dzme1530.ph

Pag-inom ng whisky, mabuti nga ba sa ating Immune System?

Marahil ay maso-sopresa kayo na may maganda ring naidudulot sa kalusugan ang alak gaya ng whisky.

Batay sa ilang pag-aaral nakatutulong ang paginom ng isang baso nito kada araw upang mapababa ang banta ng heart disease at heart failure.

Maliban dito, tumutulong din sa pagpapalakas ng resistensya ang whisky dahil sa taglay nitong ellagic acid.

Sa paliwanag, ang pinagsamang ellagic acid at bitamina na makukuha rin sa whisky ay mabisang panlaban sa ilang sakit gaya ng sipon.

Gayunman, ipinaalala na makukuha lamang ang benepisyo nito kung maghinay-hinay pa rin sa pagkonsumo ng alcohol. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author