Walang indikasyon na inside job ang nangyaring pag-hack sa website ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ipinaliwanag ni DICT Usec. Jeffrey Dy na nakita nilang pinasok hackers ang external site at nanatili sa isang computer sa loob ng tatlong buwan saka dahan-dahang ipinakalat ang malware, at pagsapit ng takdang oras ay sabay-sabay na inactivate.
Tiniyak naman ni Dy sa publiko na nagdagdag na ang PhilHealth ng cyber security measures sa kanilang website.
Una nang hinimok ng DICT ang mga empleyado at miyembro ng PhilHealth na palitan ang kanilang passwords sa kanilang online accounts. —sa panulat ni Lea Soriano