dzme1530.ph

Pagbisita ni PBBM sa puntod ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., tumagal ng mahigit 1-oras

Tumagal nang mahigit isang oras ang pag-bisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa puntod ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr..

Matapos ang idinaos na misa sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, umalis ang Pangulo bago mag-alas 11:30 ng umaga.

Bukod sa Presidential Security Group, umalalay din sa pag-alis ng Pangulo sina Philippine Army Chief Roy Galido, at PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr..

Bago naman umalis ay naki-salamuha pa ang Pangulo sa daan-daang mga taga-suporta ng pamilya Marcos.

Samantala, nakaalis na rin ang iba pang miyembro ng pamilya Marcos, kabilang na si Former First Lady Imelda Marcos. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author