dzme1530.ph

Pag-apruba ng Pangulo sa pag-aangkat ng 150k MT ng asukal, binatikos

Tutol ang Kabataan Partylist sa pag-apruba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, na mag-angkat ng karagdagang 150,000 metrikong toneladang asukal.

Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, dapat magpatupad ang gobyerno ng pangmatagalang programa na solusyon sa problemang agrikultural ng bansa.

Dapat din anilang tutukan ng pamahalaan ang pagkakaloob ng production subsidy sa mga magsasaka at pagsugpo sa mga kartel gayung hindi lamang importasyon ang sagot sa tuwing may pangamba sa suplay ng agri-products.

Nabatid na ang pagpayag ng Pangulo sa sugar importation ay alinsunod sa rekomendasyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA), upang mapanatili umano ang stable na presyo at suplay ng asukal, at mapataas ang stock ng bansa. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author