dzme1530.ph

Pag-alis ng EDSA Bus Carousel, dapat pag-aralang mabuti —MMDA

Kailangang pag-aralan ang pag-aalis ng Bus Carousel sa EDSA, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, ito’y dahil naging epektibo ang Bus Carousel hindi lamang nitong pandemya, kundi hanggang sa ngayon ay malaki pa rin ang kabawasan nito sa mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.

Aniya, mas napabilis din ang biyahe ng mga commuter mula Monumento hanggang PITX ng 45-minuto at napaganda rin ang mga istasyon nito, kabilang ang mga Bike lanes sa EDSA.

Gayunpaman, sinabi ni Artes na tanging ang Department of Transportation ang makapagbibigay ng pinal na desisyon kung aalisin na ang Bus Carousel sa EDSA. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author