dzme1530.ph

Pag-aaral sa mga panukalang dagdag-sahod sa mga manggagawa, pinamamadali

Pinamamadali ni Sen. Joel Villanueva sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno at maging sa Kongreso ang pag-aaral sa mga panukalang pagbibigay ng dagdag na sahod sa mga manggagawa sa gitna ng patuloy na pagbangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Villanueva na nararapat na tumbasan ng mabilis na aksyon at pagkilala sa paghihirap ng mga manggagawa na pagkasyahin ang sahod sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Bukod sa konsiderasyon sa dagdag na sweldo, iginiit ni Villanueva ang pagbibigay ng sapat na tulong sa mga maliliit na mamumuhunan at pagpapababa ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Isinusulong ng senador ang pagkakaroon ng sweldong angkop sa pamumuhay o living wage kasabay ng paghikayat sa Department of Labor and Employment at National Economic and Development Authority na pag-aralan ang tamang pamantayan upang matukoy ang sapat na living wage para sa mga manggagawa.

Binigyang-diin din ng mambabatas ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas marami pang disenteng trabaho at matigil na ang kalakaran ng ENDO, sa pribado man o sa gobyerno. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

 

About The Author